Pwedeng masaya ka pag sumasapit ang December dahil may bonus, 13 month pay, maraming party at regalong matatanggap. On the other hand, pwedeng malungkot kung hindi magkaron ng bago lalo na kung ano ang uso ngayon dahil di afford ng budget. Nag-alala dahil magdadatingan ang mga kamag-anak, kaibigan at mga inaanak. Di mo alam kung ano ang menu na iluluto at nahihirapan ka mag-isip ng gift para sa kanila. Pwedeng ikaw ay stressed na dahil sa kaabalahan ng pagsho-shopping, pagpaplano ng programs sa Christmas party nyo pati pagpili ng mga regalong ibibigay.
Nung isang araw sinabi ko sa aking partner4lyf na iba pala talaga ung excitement ng mga bata pag naririnig ang Pasko compared sa ating mga adults. To admit the truth minsan parang isang ordinaryong araw na lang ang Pasko na lumilipas. Parang wala nang thrill at excitement.
Ang pagbalik tanaw sa unang araw na naganap ang Kapaskuhan ay mahalagang gawin upang maiayos ang ating mga puso sa kung paano natin ipagdiriwang ang okasyon na ito. Ang unang Pasko ay naganap sa isang maliit na bayan sa Israel. Ang lugar ng Bethlem ay di ganon kakila. At doon itinakda ng Diyos na ipanganak ang tagapagligtas. Ang sanggol na si Jesus ay ipinanganak sa kural ng mga hayop. Napakaabang kalagayan. Walang magarbong kagamitan ni masasarap na pagkain.
Si Jesus ay ipinanganak para mamatay sa ating lahat. Ito ang misyon na kanyang tinupad.
Ang mensahe ng kapaskuhan ay ang pagdating ng isang manunubos na mamatay para sa kasalanan ng lahat. Ito ang magdudulot sa atin ng kasiyahan dahil tayo ngayon ay may pag-asa sa hinaharap at katiyakan ng kasagaanaan na di magwawakas sa kabilang buhay. Ang pinakamagandang regalo na iniaalok ng Diyos para sa atin.
Tinanggap mo na ba ang regalong ito na ibinigay ng Diyos? (Roma 6:23) Nawa'y makamtan mo ang dakilang regalong ito.
Sa iyong may tangan ng regalong ito, ang panahong ito ay isang patuloy na pagpapaalala na pasalamatan natin ang Diyos sa kanyang kagandahan loob sa atin.
Balikan natin ang dahilan ng Pasko at ang mensahe na iniwan nito sa atin. Isang mapagpalang araw ng Pasko para sa lahat!
No comments:
Post a Comment