SJ has finished Elementary level and JC completed his Junior High-school through Alternative Learning System.
Madalas sa mga mag-aaral ng Alternative Learning Systems (ALS) ay mga out of school youths. May ilan din naman na kahit medyo ma-edad na ay sumusubok upang makapag tapos ng pag-aaral upang makasabak pagkuha ng kurso sa kolehiyo. May kani-kanyang kwento ng buhay ang bawat mag-aaral na ito kung bakit sa ALS at hindi sila nakapagpatuloy sa regular school o ung formal education na sinasabi ng iba. Marami na akong kwentong narinig buhat sa mga ALS graduate. Iba't-ibang hamon sa buhay ngunit may iisang paninidigan na magpursigi na pagtagumpayan ang mga hinaharap na hamon ng buhay upang makapagtapos ng pag-aaral.
Para sa aking mga anak, pinili namin na sila ay papasok ng ALS sa kadahilanan sila ay mga homeschoolers (un-schooled way). Napakalaki nang naitulong sa amin ng programang ito upang mabigyan ng LRN ang aming mga anak. Karamihan ay hindi nakaka-alam na meron palang pamilya na tulad namin na tumatahak sa ganitong klase ng edukasyon na ibinibigay para sa sarili nilang anak. Ito ang paraan na naging epektibo sa amin.
Saludo ako sa kasipagan, dedikasyon at katiyagaan ng aming ALS Teacher na si Sir. Jeffrey Bagsic Buenafe. Nakita namin kung paano ang kanyang malasakit at pagmamahal sa mga estudyante niya. Masasabi kong pagpapala ng Diyos sa amin ang naging teacher ng aking mga anak. Alam kong maging sa ibang mga teacher ng ALS ay may parehong hangarin sa kanilang mga nagiging mag-aaral. Nawa ay patuloy na ang biyaya ng Diyos ay sumama sa mga guro at tagapanguna ng ALS at kagawaran ng ating edukasyon.
No comments:
Post a Comment